Kabanata 958
Hindi natapon ang kape kay Madeline, pero sa halip, ang damit ni Jeremy ang naging biktima.
Tinignan ni Naomi ang lalaki na biglang lumitaw sa gulat. "Ikaw… Hans? Bakit ka nandito?"
Malamig siyang tinignan ni Jeremy. "Kailangan ko bang magsabi sa'yo tuwing may kasama akong iba?"
"..." Hindi napanatag si Naomi, kaya sinimulan niyang puntiryahin si Madeline. "Eveline, ngayon na patay na ang asawa mo, inaakit mo naman ngayon si Rye dahil hindi mo makayanan ang kalungkutan, ha? Hindi kita mapapatawad nang ganon kadali sa nangyari noon! Maghintay ka lang!"
Tinuro ni Naomi si Madeline at umalis pagkatapos niya siyang sigawan.
"Huminto ka," seryosong sabi ni Madeline kay Naomi.
Huminto si Naomi sa kanyang mga hakbang nang makita niya si Madeline na naglalakad papunta sa kanya.
"Naomi, alam mo ba na makakasuhan ka kapag nagpasya ako na imbestigahan ka sa pagpaplano mo ng masama laban sa'kin? Sinong nagbigay sa'yo ng tapang na sabihin sa'kin na hindi mo ko mapapatawad? Si Lana ba?

Haga clic para copiar el enlace
Descarga la aplicación Webfic para desbloquear contenido aún más emocionante
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil