Webfic
Abra la aplicación Webfix para leer más contenido increíbles

Kabanata 100

Kinuha na ni Tang Ruochu ang kanyang boarding pass. Noong una, akala niya ay economy seat ang ibinigay sa kanya, pero first class pala ang ang nakuha niya. Nagulat dito si Tang Ruochu, iniisip niya kung kailan naging mapagbigay ang kanilang kumpanya. Sa mga nakaraan niyang biyahe ay economy class lamang ang natatanggap niya mula dito. Pero kung iisipin mabuti, baka dahil espesyal ang pagkakakilanlan ni Gu Ruoruo, kaya’t mataas na class din ang ibinigay sa lahat ng kasama niya. Agad itong napagtanto ni Tang Ruochu. Matapos niyang kunin ang kanyang mga gamit, bumalik na siya kanila Gu Ruoruo at iba pa. Pero ngayon naman, nagulat siya nang makita si Ji Yinfeng sa tabi niya. May suot na suit ang lalaki. Nanatili pa rin ang tanyag at eleganteng imahe niya. Gayunpaman, nang magkasalubong ang kanilang mga mata, halatang nagbago ang tingin niya. Nagpanggap si Tang Ruochu na hindi ito nakita. Tahimik siyang tumayo at hindi man lang siya kinamusta. Dumilim ang mga mata ni Ji Yinfeng. Mags

Haga clic para copiar el enlace

Descarga la aplicación Webfic para desbloquear contenido aún más emocionante

Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil

© Webfic, todos los derechos reservados

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.