Kabanata 108
“Nitong nakaraang dalawang araw, may mga reporter na palihim kang sinusundan.”
“Ano?”
Nagbago ang ekspresyon ni Tang Ruochu habang lumamig ang kanyang mga mata. “Si Gu Ruoruo ba yun?”
“Oo, tila interesado siya sa lalaking sumusuporta sayo.”
Tinaas ni Lu Shijin ang kanyang mga kilay at tumawa.
“Matigas talaga ang ulo ng babaeng yun!”
Ginitgit ni Tang Ruochu ang kanyang mga ngipin habang nakaramdam siya ng lalim sa puso.
Kinilabutan siya nang dumaan sa kanyang isip na araw araw ay pinapanood ng iba ang kanyang bawat kilos.
“Grabe naman!”
“‘Wag kang mag alala. Iniutos ko na kay Mu Ling na harapin ang problemang ‘to.”
Tila nararamdaman ni Lu Shijin ang takot ni Tang Ruochu habang mabilis at marahan na hinawakan ang kanyang mga kamay niya.
Hinimas ni Tang Ruochu ang kanyang mukha sa likod ng kamay ni Lu Shijin na parang isang kuting at sumagot, “Mabuti nalang at natuklasan mo, kung hindi baka nalantad na ang pagkakakilanlan mo.”
“Hayaan mo lang na malantad. Wala akong pakialam.”

Haga clic para copiar el enlace
Descarga la aplicación Webfic para desbloquear contenido aún más emocionante
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil