Kabanata 257
Nakakuha ng ilang araw na pahinga si Tang Ruochu dahil sa kanyang natamong sugat. Naramdaman niya na may mabuting bagay na dumating mula sa insidenteng ito.
Subalit, dahil nagkaroon na siya ng bakasyon, dapat niya itong sulitin ng lubos.
Kung kaya’t inimbitahan niya lumabas si Xiaoxiao. Simula noong makabalik ng bansa si Xiaoxiao, bihira lang sila mag kitang dalawa.
Kailangan niya lubusin ang kanyang bakasyon para makasama ang kaibigan niya.
“Pasensya na at late ako.”
Kaswal na itinapon ni Xiaoxiao ang kanyang bag sa kanyang tabi bago umupo sa tapat ni Tang Ruochu.
Sumulyap si Tang Ruochu sa kawawang bag at umiling ang kanyang ulo habang napasinghap siya. “Xiaoxiao, wala ka talagang pakialam sa pera.”
Abala si Xiaoxiao sa pag inom ng tubig. Nang marinig iyon, napangiwi siya sa pagkalito at nagtanong, “Saan mo nakuha ang impresyon na ‘yan?”
“Ayan!” ginamit ni Tang Ruochu ang kanyang mga mata upang ituro ang bag na nakalapag sa upuan. “‘Yan ay isang limited edition! Maraming maya

Haga clic para copiar el enlace
Descarga la aplicación Webfic para desbloquear contenido aún más emocionante
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil