Kabanata 406
Napakasama na tawagin si Gu Ruoruo na alaga at akusahan siya sa pagsakay sa mga ginawa ng kanyang ina. Sobrang nagalit si Gu Ruoruo na ang kanyang katawan ay nanginginig na. Tumuro siya kay Tang Ruochu pero wala siyang masabi. Paulit ulit niya lang sinasabing “Ikaw… ikaw…”
Ngumiti sa kanya si Tang Ruochu at hindi siya pinansin. Nagabot siya ng patong patong na mga dokumento kay Old Chen. “Tiyo Chen, tulungan nyo po ako na ipamahagi ito.”
Ang kanyang mga kamay ay marahan na tumatapik sa lamesa hanggang sa maipamahagi na ang lahat ng mga dokumento. Kinagat niya ang kanyang labi at sinabing, “Ito ay proposal para sa hinaharap na pag-unlad ng Tang Group. Tignan nyo.”
Nagkatinginan ang mga shareholder sa isa’t isa tapos ay binuksan ang dokumento. Kahit na tumayo sila sa panig ni Gu Ruoruo o Tang Ruochu, nagbasa silang lahat ng maigi.
Kung sa bagay, ito ay tungkol sa Tang Group at tungkol sa kanilang sariling benepisyo. Samakatuwid, hindi nila sinubukang maliitin ito.
Binigyan din si Gu

Haga clic para copiar el enlace
Descarga la aplicación Webfic para desbloquear contenido aún más emocionante
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil