Kabanata 459
Ang Villa ng pamilya Tang.
Nagdala si Zhao Xiaowan ng umuusok at mainit na sabaw sa isang silid sa may pangalawang palapag.
“Ruoruo, pwede bang pumasok ang Mama mo?” Ang boses niya ay maingat.
Walang paggalaw o tunog mula sa silid. Sumimangot siya at pagkatapos ay binuksan ang pintuan ng dahan dahan. Pumasok siya.
Ang ilaw ay hindi nakabukas, at ang buong silid ay madilim na madilim.
Kusang binuksan ni Zhao Xiaowan ang pindutan sa pader. Pero tumunog ang isang malamig na boses.
“‘Wag mong buksan ang ilaw!”
Niyanig ang puso ni Zhao Xiaowan, at agad niyang inatras ang kanyang kamay. Tapos, tumitig siya ng may malaking mata, na hinahanap ang kung ano sa madilim na silid.
“Ruoruo, ginawan ka ni Mama ng sabaw. Kumain ka ha?”
“Sinabi kong ayoko.”
“Pero…”
Humakbang patalikod si Zhao Xiaowan at gusto pa sana nito magsalita nang may bumato sa kanyang mga paa. Sobra siyang nagulat na napasigaw pa siya. Ang mangkok sa kanyang mga kamay ay nalaglag sa sahig dahil ‘di niya ito nahawakan

Haga clic para copiar el enlace
Descarga la aplicación Webfic para desbloquear contenido aún más emocionante
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil