Kabanata 56
Nang makita nila ito, nanahimik ang mga nakapalibot na mga reporter, takot na baka masangkot sa usapan na ito.
Nagbago din ang mga ekspresyon ni Tang Ruochu at Song Anyi.
Kahit na hindi maliit na kumpanya ang Time Entertainment, kailangan nilang sumunod sa pamumuwersa ng Tanghai Entertainment.
“Ruochu, anong gagawin natin ngayon?”
Kahit na kadalasan ay matigas ang ulo at mabilis magalit si Song Anyi, sumusuko siya kapag hinaharap ang kasamaan, dahil hindi niya alam ang dapat niyang gawin.
Ngayon at lumala na ang sitwasyon, kumunot din ang noo ni Tang Ruochu.
Gayunpaman, wala siyang plano para humingi ng tawad para sa mga nangyari.
Mas gugustuhin niya pang mamatay kaysa humingi ng tawad sa lokong tulad niya; at lalong kaysa samahan siya para sa isang gabi.
Nang naging seryoso na ang lagay ng sitwasyon, isang reporter, na bumalik mula sa banyo, ay pumasok. Nabulabog niyang pinaalam sa lahat, “Sir Lin, nakita ko sa labas si Lu Shijin mula sa Thunderbolt Entertainment ngayon lang!”

Haga clic para copiar el enlace
Descarga la aplicación Webfic para desbloquear contenido aún más emocionante
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil