Webfic
Abra la aplicación Webfix para leer más contenido increíbles

Kabanata 119

“Alam siguro ito ni Annalise,” sabi ni Gavin. “Anim na taon kayong kasal. Kahit na hindi ka niya minahal, kahit papaano ay ayaw ka niyang mapunta sa iba.” Nagpaliwanag pa siya, “Para makipagbalikan sa'yo, gagawin niya ang lahat para mainis ka. Una, magpapanggap siyang hindi ka na niya mahal sa pamamagitan ng pagtrato ng mabuti sa ibang lalaki. Maiinis ka dahil doon. “Pagkatapos, di mo mapipigilang mamiss siya. Kapag di mo pinigilan ang kagustuhang makita siya, magpapanggap siyang malapit sa ibang lalaki.” Hindi naisip ni Steven na gagawin lahat iyon ni Annalise para lang makipagbalikan sa kanya. Unti-unting naglaho ang inis niya pagkatapos marinig ang paliwanag ni Gavin. Nang nakangiti, nagtanong siya, “Ano palang dapat kong gawin?” “Wag mo siyang pansinin,” simpleng sabi ni Gavin. “Sa huli ay mapapansin niyang hindi gumagana ang mga taktikang iyon sa'yo, at babalik siya sa'yo nang luhaan at magmamakaawa sa'yong makipagbalikan sa kanya.” Lumitaw sa isipan ni Steven ang imahe ni

Haga clic para copiar el enlace

Descarga la aplicación Webfic para desbloquear contenido aún más emocionante

Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil

© Webfic, todos los derechos reservados

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.