Webfic
Abra la aplicación Webfix para leer más contenido increíbles

Kabanata 301

Mukhang nainis si Steven sa malamig na sarkasmo ni Zachary dahil kaagad na dumilim ang mukha niya. “Ilang taon ka na ba ngayon? Gaano ka ba kamature?” Sumagot si Zachary, “Alam ko ang karamihan ng bagay na kailangan kong malaman.” “Bata ka pa, at hindi mo kayang kumita ng pera nang mag-isa!” Diin ni Steven habang sinubukan niyang mangatwiran pa sa kanya. “Sa huli, ang matatanda pa rin ang magbabayad sa lahat ng mga ginagastos mo.” Sinusubukan niyang ipaalam kay Zachary na bata pa siya. Sa gulat niya, kalmadong nagtanong si Zachary, “Sinasabi mo bang ayaw mo na akong suportahan?” Hindi ito itinanggi ni Steven. “Kung magpapasundo ka kay Mr. Thompson pabalik dito, aakuin ko ang buong responsibilidad sa pang-araw-araw na gastos mo. Pero kapag nagpatuloy kang suwayin ako, hindi na kita aalagaan. Hindi kita bibigyan ng kahit isang sentimo mula sa kinikita ko.” “Sige pala,” walang pakialam na sagot ni Zachary. “Ipunin mo yan. O kaya gastusin mo sa kahit na anong gusto mo.” Pagkatapos

Haga clic para copiar el enlace

Descarga la aplicación Webfic para desbloquear contenido aún más emocionante

Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil

© Webfic, todos los derechos reservados

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.