Kabanata 311
“Pero mas lalo ko lang itong gusto sabihin! Makinig ka Jessica. Babanggitin ko kung anong ginawa niyong dalawa tuwing makikita kita.”
Pagod na akong magsayang ng oras sa kanya. “Kung mananatili kang nakatayo rito at sirain ang araw ko, kukuha ako ng mikropono at sasabihin sa lahat kung ano mismong ginawa mo.”
Namutla kaagad ang mukha ni Jessica. Mabilis siyang tumingin sa paligid para siguraduhing walang nanonood sa kanila bago nagmadaling umalis.
Hindi nagtagal, sinamahan ako ni Sasha kasama ng sarili niyang plato ng pagkain. Umupo siya sa upuan sa tabi ko bago nagreklamo, “Hinila lang ako ng tatay ko sa kung saan-saan at pinakilala ako sa lahat.”
Ngumiti ako sa namomroblemang mukha niya. “Naiinis ka ba?”
“Diyos ko, oo!” Hinawakan ni Sasha ang kamay ko. “Napakapormal nilang umasta, nagsasabi pa silang ‘Oh, nakarga kita noong sanggol ka pa!’ Paano ko naman maaalala yun?”
Pagkatapos, nagpatuloy siya, “Baka isipin nila bastos ako kapag wala akong sinabi, kaya tango lang ako nang

Haga clic para copiar el enlace
Descarga la aplicación Webfic para desbloquear contenido aún más emocionante
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil