Kabanata 659
Nagpatuloy si Jessica, “Pinapakita ng paggastos sa'kin ng kalalakihan kung gaano kataas ang tingin nila sa'kin, pero iba si Annalise. Iniisip siguro ng mga lalaki sa buhay niya na cheap siya kung di sila handang gumastos nang malaki para sa kanya.”
Pagkatapos niya ipadala ito, doon lang siya nagsulat ng isa pang text na nagpapakita ng tunay na intensyon niya. “Kaya dapat mong pag-isipan ang relasyon mo kay Annalise at ako na lang ang gawin mong kasintahan. Baka makita mo kung bakit hinahabol ako ng lahat ng lalaki.”
Narinig ni Casper na tumunog ang phone niya nang may bagong text at dinampot niya ito. Nang mabasa ang mga text ni Jessica, naramdaman niyang lumamig ang dugo niya. Ang anomang motibasyon na mayroon siya ay biglang naglaho at napalitan ng dismaya.
Hindi siya makapaniwalang ginamit ni Jessica ang taos-pusong deklarasyon niya para udyukan ang ibang lalaki na makipagrelasyon sa kanya. Para siyang tanga at hindi niya nakita ang tunay na kulay ni Jessica hanggang ngayon.
N

Haga clic para copiar el enlace
Descarga la aplicación Webfic para desbloquear contenido aún más emocionante
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil