Kabanata 92
Matapos nila mag-usap, natapos na ang tawag.
Sinend na ni Ivan kay Carlisle ang bank account information niya. Dahil sa pagiging magkaibigan nila at sa ibinigay na pera ni Carlisle sa kaniyang ten grand, kumampi na si Ivan kay Carlisle.
Ginawa ni Carlisle ang sinabi niya, pumunta siya sa banko at tinapos ang pag-transfer ng pera.
Pagbalik sa rental, abala si Hank sa pag-aasikaso ng multiboxing software habang walang pagod na gumagawa ng bagong account si Heath.
“Okay, tapos na!” Sigaw ni Hank, uminom siya ng Chardonnay.
Inabot ni Heath kay Hank ang notebook na puno ng mga bagong account information.
Hindi nagtagal ay successful ng nakalogin ang sampung account.
Sumunod naman ay nag-activate si Hank ng auto-grind script at speed booster hack. Habang pinapanood niyang sunod-sunod na nag level up ang sampung account, may ngiti na lumabas sa mukha ni Carlisle.
Pero biglang na log out ng kusa ang lahat ng account.
“What the hell? Anong nangyari?” Kinakabahan na tanong ni Heath.

Haga clic para copiar el enlace
Descarga la aplicación Webfic para desbloquear contenido aún más emocionante
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil