Kabanata 1010 Nasa Peligro Ang Buhay
Nagitla si Nell sa tanong ni Janet.
Syempre, hindi niya naisip kailanman na totoo ang alamat ng Arcane Jade.
Sinasabi mang kaya nitong muling bumuhay ng isang patay na tao, pero hindi niya ito pinaniwalaan kahit kailan.
Ganoon pa man, hindi ibig sabihin na ganito rin ang iniisip ng iba.
Gaya na lamang ng isang matalinong tao na gaya ni Jeff. Hinahabol niya rin ba ang milagro ng Arcane Jade gaya ng nasa mito nito?
Sumasakit ang ulo ni Nell habang iniisip ito.
Bumuntong hininga siya, “Jan, natatandaan mo pa ba noong pumunta tayo sa kasal ni Gregory at Vickie? Hindi ba nahimatay siya?”
Nanigas si Janet. “Oo naman, natatandaan ko iyan. Ano naman ang kinalaman ng jade sa kanila?”
“May kinalaman ang lahat sa kanila. Sa totoo lang, sila nga ang humihingi ng tulong sa akin na hanapin ang jades.”
Nagitla si Janet sa sagot ni Nell.
Naramdaman ni Nell na hindi niya na maitatago ang katotohanan kay Janet.
Matapos ang lahat, kung tama ang impormasyon ni Janet, hindi maiiwasang pupunta ri

Haga clic para copiar el enlace
Descarga la aplicación Webfic para desbloquear contenido aún más emocionante
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil