Kabanata 1048 Kasama Ko Siya
Hindi mapigilang mapasimangot ni Nell.
Tinignan niya ang tsaa na dinala ng mga kasambahay at paulit-ulit niyang naisip na may nakalagay na kung ano rito.
Banayad at mabuti ang asal ng kasambahay. Nang makita niyang nakatulala si Nell, nagsalita siya. “Miss Jennings, ang tsaa mo.”
Hindi naman kailangang awayin ni Nell ang tagapagsilbi dahil wala naman itong ginawang masama.
Kaya, malamig na lamang siyang sumagot. “Paki iwan na lang.”
Sa totoo lang, hindi niya man lang sinulyapan ang tasa.
Tinikom ng kasambahay ang kanyang bibig, wala na siyang sinabing iba pa at inilapag niya na lamang ang tasa saka umalis.
Si Nell na lamang ang naiwan sa kwarto, hindi siya kumilos nang padalos-dalos at sinuri niya nang mabuti ang loob. Elegante ang disenyo pero hindi ito sobra-sobra.
Mula sa nakikita ng kanyang mga mata, may apat na camera.
Ano ba ang gustong gawin ni Jeff Flinders?
Hindi naman tanga si Nell. Makapangyarihang tao si Jeff, kaya imposibleng ikadena niya lamang si Nell dahil gus

Haga clic para copiar el enlace
Descarga la aplicación Webfic para desbloquear contenido aún más emocionante
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil