Kabanata 152 Mula Sa Kung Saan
Nagitla si Tim, hindi niya maunawaan ang pakahulugan ng mga salitang iyon.
Nahihiya namang ngumiti si Nell. “Sa totoo lang, nakakuha ako ng kopya ng script mula kay Director Leith. Hindi ko masyadong pinansin noong una, pero matapos basahin at suriin, napagtanto kong pambihira ito at mahirap makahanap ng ganitong klase. Gusto ko rin talagang makuha ang role ng female lead.”
Agad namang nagliwanag ang mga mat ani Tim.
“Sinasabi mong…”
“Karangalan ko ang maging bahagi ng series na ito. Pakigabayan na lang ako, Director Coombs.”
Nagulantang si Tim.
Hindi sumagi sa kanyang isip na magiging ganito kadali ang lahat.
Nadala siya ng pagkakataong iyon. Matapos makabalik sa katotohanan, hinawakan niya ang mga kamay ni Nell sa saya.
“Maraming salamat talaga. Maraming salamat sa pagsali sa production ko.”
Nagulat naman si Nell sa pagkamaligalig nito. Nang mapagtanto ang labis na reaksyon, niluwagan ni Tim ang hawak niya sa mga kamay ni Nell at kinamot niya ang kanyang ulo sa hiya.
“Ilang

Haga clic para copiar el enlace
Descarga la aplicación Webfic para desbloquear contenido aún más emocionante
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil