Kabanata 170 Siya Ang Gumawa ng Dekorasyon
Isang pang bagay na dapat tandaan, lahat ng bagay na nangyari ngayong araw ay pinlano ni Gideon nang mag-isa.
Kasama na ang disenyo ng damit, ang mga dekorasyon sa cruise ship, ang pagpili ng singsing, at ang malaking sorpresa sa gabi, siya ang gumawa nitong lahat nang walang tulong ng iba.
Kahit hindi siya masyadong magaling sa paghahayag ng kanyang nararamdaman, mayroon pa rin naman siyang magagawa basta ilagay niya ang kanyang buong puso.
Mamaya-maya, natapos na rin si Nell sa kanyang makeup.
Tinulungan na siya ng designers at mga makeup artist na suotin ang damit.
Nakatayo pa rin si Nell nang pirmi habang hinahayaan silang damitan siya. Sa huli, napatanong ang babae, “Ano bang mayroon ngayon? Bakit ako nakasuot ng ganitong damit? Wala naman akong maalala na espesyal ang araw na ito.”
Napangiti naman ang isa sa mga designers pero wala naman itong sinabi.
“Pasensya na, Mrs. Leith, hindi namin pwedeng sabihin, kung hindi, baka magalit sa amin si Mr. Leith.”
Ngumiti rin ang iba

Haga clic para copiar el enlace
Descarga la aplicación Webfic para desbloquear contenido aún más emocionante
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil