Kabanata 173 Isang Malaking Sorpresa
Umiling si Nell.
Sa totoo lang, hindi niya alam.
Hindi naman maliit ang Herma pero hindi rin ito kalakihan. Dahil kita ang ilang libong ilaw ng mga tahanan mula sa kalayuan, halatang nasa mataas sila na lugar.
Subalit, wala naman siyang maisip na mga matataas na bahagi na hahayaan silang makita ang buong bayan at magbibigay ng sapat na espasyo para mailagay ni Gideon ang malabituing daan kanina.
“Tumingin ka sa likod mo.”
Tumalikod si Nell gaya ng sabi ng lalaki at napalaki ang mata niya sa gulat.
“A-Ano ito?”
Hindi mabilang na mga bituin ang kumukurap sa mata niya, samahan pa ito ng mga petals ng rosas na nagsisi-sayaw sa hangin bago bumagsak.
Sunod, naramdaman niyang tila ba may mahinang yanig sa paligid na para bang isa itong gumagalaw na bahay. Mamaya-maya, apat na pader ang biglaang umangat at pumalibot sa kanila.
Nararamdaman niyang may gumagalaw sa ilalim ng kanyang paa pero mahina at sandali lamang ito.
Nang mawala na ang ilaw at bumagsak na nang tuluyan ang lahat ng

Haga clic para copiar el enlace
Descarga la aplicación Webfic para desbloquear contenido aún más emocionante
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil