Kabanata 337 Samahan sa Pagtulog
Napansin ni Liam ang reaksyon nito at naningkit ang mga mata nang may tuwa.
“Anong tinitingnan mo, Mrs. Jackman?”
Tanong niya habang pinapatuyo ang buhok gamit ang tuwalya.
Namula nang labi ni Janet at nahihiyang umubo. Pagkatapos ay sumimangot at bumulong, “Sinong gustong tumingin sa’yo? Walang hiya!”
Tumalikod siya at nagkunwaring hindi ito pinapansin.
Habang mas lalo siyang nagkukunwaring masungit, mas lalo niyang pinapakita ang totoo niyang nararamdaman.
Biglang gumanda nang sobra ang pakiramdam ni Liam. Ang seryoso niyang aura ay naglaho.
Pinatuyo niya ang buhok, tinanggal ang tuwalya sa katawan, at umakyat sa kama.
Nagulat si Janet nang bigla siyang nabalot ng mainit na hangin.
Kinilabutan siya at umupo nang tuwid upang tingnan ang ang lalaking tinataas ang kumot.
Sumigaw siya. “Anong ginagawa mo?!”
Inosenteng itinaas baba ni Liam ang kanyang mga kilay. “Matutulog.”
Tiningnan siya nang masama ni Janet. “Hindi ba’t may sarili kang kwarto? Hindi ka ba matutulog do’n?”

Haga clic para copiar el enlace
Descarga la aplicación Webfic para desbloquear contenido aún más emocionante
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil