Kabanata 507 Hindi Mapitas na Bulaklak
Walang panaginip si Lucy sa gabing iyon.
Sumunod na araw, napagtanto niyang nagising siya habang puno ng luha ang mukha.
Hindi niya maunawaan kung bakit ito nangyari.
Alam niyang pagod na pagod siya. Sobrang pagod niya sa puntong namanhid ang kanyang kaluluwa at katawan.
Ganoon pa man, wala na siyang magagawa.
Sinubukan niya pa ring maging maganda at elegante sa harap ng iba para hindi masira ang kanyang reputasyon bilang isang diyosa.
Matapos maglagay ng makeup, nakita ng pagod na babae ang kanyang repleksyon sa salamin. Nagbago ang kanyang anyo at tila ba naging isa siyang prinsesa.
Tumawa si Lucy nang mapanuya. Hindi niya sigurado kung magpapasalamat ba siya sa kakayahan ng cosmetics o iiyakan niya ang pagod niyang mukha kanina.
Pagkatapos magpalit ng damit, bumaba siya at sumakay sa company van patungo sa venue ng production crew.
Napansin agad ni Susan ang lungkot sa mukha ni Lucy. Ramdam niyang may dinadala itong mabigat.
Narinig niyang pinahirapan ni Levi si Lucy kagab

Haga clic para copiar el enlace
Descarga la aplicación Webfic para desbloquear contenido aún más emocionante
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil