Webfic
Abra la aplicación Webfix para leer más contenido increíbles

Kabanata 51 Ang Tawag sa Opisina

Bumaba si Nell para magpaliwanag kay Aunt Joyce. Gaya ng inaasahan, hindi naniwala si Aunt Joyce sa kanya. Nagbigay pa nga ito ng suhestiyon sa kanya. “Naiintindihan ko po. Missus, hindi mo na kailangang mahiya. Ayos lang po. Magandang bagay para sa mga mag-asawa na magkaroon ng magandang relasyon. Mukhang malapit nang magkaroon ng munting young master dito; lalong sisigla ang ere sa Leith Gardens.” Sa huli, nagsalita lamang ito pero hindi siya naniwala sa kahit anong sinabi ni Nell. Sumuko na si Nell na magpaliwanag dahil hindi niya kayang ibahin ang iniisip ni Aunt Joyce. Mag-asawa naman talaga sila ni Gideon sa harap ng batas, kaya hindi naman kakaiba na maging malambing sila sa isa’t isa. Nakakahiya pa rin na mahuli ng mga matatanda pero hindi naman ito isang malaking bagay. Pinakawalan n ani Nell ang kanyang tsansa na bawiin ang nasa isip ni Aunt Joyce, kumuha na lang siya ng isang baso ng gatas tsaka umakyat sa taas. Nakarinig siyang may nag-uusap sa opisina ng lalaki. Sa

Haga clic para copiar el enlace

Descarga la aplicación Webfic para desbloquear contenido aún más emocionante

Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil

© Webfic, todos los derechos reservados

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.