Kabanata 593 Hindi Matawagan
Tumatanda na ang mama ni Lucy pero mukhang siya pa ang pinagsasabihan ng kanyang anak. Napahiya tuloy siya.
Subalit, alam niyang tama si Lucy.
Kanina, masyado siyang kinakabahan at nagsalita siya ng kung ano-ano.
Ngayon, nang hindi tumatanggi, sumang-ayon siya, “Oo, tama ka nga, alam ko.”
Ngumiti si Lucy at tumayo.
“Sige, tatawagan ko na siya ngayon.”
“Sige.”
Hinanap ni Lucy ang number ni Old Fourth Cecil saka ito tinawagan.
Hindi nagtagal at nasagot naman agad ito.
Narinig niya ang matamlay ng boses ni Old Fourth Cecil sa kabilang linya.
“Sino ito?”
Kalmadong sumagot si Lucy, “Ako ito.”
Napatahimik ang kabilang linya.
Sumunod, masiglang tumawa ang lalaki. “Ikaw pala. Anong nangyari?”
“Nangako ka kahapon na pupunta tayo sa Ministry of Civil Affairs para pirmahan ang divorce papers. Tara na!”
“Hindi pwede!” Kinamot ng lalaki ang kanyang ulo. “Tignan mo naman ang memorya ko. Bakit ko nakalimutan ang bagay n aiyo? Haha… Pasensya na, lasing na lasing ako kagabi kaya ngayon l

Haga clic para copiar el enlace
Descarga la aplicación Webfic para desbloquear contenido aún más emocionante
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil