Webfic
Abra la aplicación Webfix para leer más contenido increíbles

Kabanata 412 Wala Na Ang Kanyang Hiyas

Umiiyak na lumabas ns Coastal City Condominium si Serene. Nag mamadali siyang tumawid at muntik pa siyang masagasaan. Mabuti na lang ay agad na dumating si Wilson para hilahin siya pabalik at naiwasan ang trahedya. Tumigil ang drayber ng putting van at minura si Serene, “Bulag ka ba?! Kung gusto mo magpakamatay, sa ibang lugar mo gawin. ‘Wag kang magpasagasa, mamemerwisyo ka pa ng iba!” Galit na tinitigan ni Wilson ang drayber. Nang mapansin nito na si Wilson ay ang tipo ng tao na hindi dapat ginagalit, nagmamadali itong nagmaneho palayo. Sapilitan tinulak ni Serene palayo si Wilson. Makikita ang galit at pandidiri sa kanyang mga mata. “Bitawan mo ako! ‘Wag mo akong hawakan, Wilson Jarret! May asawa ka na, nagagawa mo pang lumandi sa akin!” Hindi lang siya nilandi nito, nakipagtalik pa ito sa kanya! Nanginginig sa galit ang katawan ni Serene. Pakiramdam niya ay sinaksak ang kanyang puso nang paulit-ulit. Para bang hiniwa ito at walang tigil na umaagos ang dugo mula rito.

Haga clic para copiar el enlace

Descarga la aplicación Webfic para desbloquear contenido aún más emocionante

Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil

© Webfic, todos los derechos reservados

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.