Webfic
Abra la aplicación Webfix para leer más contenido increíbles
Asawa ng LoboAsawa ng Lobo
autor: Webfic

Kabanata 1550

Sa loob ng selyadong palasyo sa ilalim ng lupa, walang liwanag ng araw o buwan ang makakapasok sa loob nito na nabalot ng walang hanggang kalungkutan at kadiliman. Pagkalipas ng ilang mahahabang oras. Biglang nanginig ang mga daliri ng nakahandusay sa lupa na si Andrius bago siya nahihilong bumangon sa kaniyang kinahihigaan. “Ano…” Tumingin siya sa paligid nang makita niya ang pamilyar na eksena ng mga nakatambak na bangkay ng mga tao at insekto sa paligid ng malaking hall. Nakita niya ring nakahiga sa kaniyang tabi si Halle. Wala itong suot na damit habang makikita ang ngiti sa kaniyang mga labi na para bang maganda ang napapanaginipan nito. Whirr... Nang biglang maramdaman ni Andrius ang napakatinding sakit sa kaniyang ulo. Paisa isang pumasok ang mga imahe at mga alaala sa kaniyang isip na parang isang pelikula. Naalala niya ang pagkawala niya sa kontrol nang gumapang sa kaniyang katawan ang masamang puwersa na binuga ng insekto bago ito tuluyang mamatay kaya hindi niya nag

Haga clic para copiar el enlace

Descarga la aplicación Webfic para desbloquear contenido aún más emocionante

Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil

© Webfic, todos los derechos reservados

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.