Webfic
Abra la aplicación Webfix para leer más contenido increíbles
Asawa ng LoboAsawa ng Lobo
autor: Webfic

Kabanata 1841

Gamit ang natitira niyang kamay, nagpakawala ang Ikaapat na Elder ng signal flare gamit ang tunay niyang enerhiya na lumipad sa kalangitan. Swoosh... Sumabog ang flare sa mga ulap na bumuo ng isang kulay dugong ulo ng demonyo. Ito ang mensaheng pinadala niya kay Titus. “Gusto mo na talagang mamatay!” Nabalot ng galit si Andrius habang ipinansasaksak niya ng dalawang beses ang hawak niyang sibat. Tumusok ang sibat sa puso ng Ikaapat na Elder sa una niyang pagsaksak habang winasak naman ng ikalawang saksak ang Golden Core nito. Agad na bumagsak at nawalan ng buhay ang Ikaapat na Elder. Alam ni Andrius na wala na siyang oras na dapat sayangin kaya agad siyang nagpunta sa likurang bahagi ng bundok. Pinatay niya ang sinumang makakasalubong niya sa daan. Sabagay, makakabawas ang bawat taong mapapatay niya sa mga taong makakalaban niya pagbalik ni Titus! Pagkalipas ng isang sandali, nakarating na rin si Andrius sa likurang bahagi ng bundok kung saan matatagpuan ang isang bilangguan.

Haga clic para copiar el enlace

Descarga la aplicación Webfic para desbloquear contenido aún más emocionante

Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil

© Webfic, todos los derechos reservados

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.