Clang!
Masyadong naging mabilis at mabagsik ang enerhiya ng tatlong mga espada ni Greywolf kaya gumawa ang bawat pagtama nito sa Linebreaker Overlord ng malalakas na pagsabog na tumagos sa tainga ng sinumang naroroon.
Muling nagulat si Greywolf pagkalipas ng isang dosenang beses nilang pagsasagupaan. Inakala niya na mawawasak niya si Andrius nang walang kahirap hirap sa pamamagitan ng pagpapaangat ng kaniyang lakas sa huling bahagi ng Heavenly Immortal Stage at sa paggamit ng lakas ng Trifold Slash. Pero naging patas pa rin ang resulta ng kanilang laban.
Kahit na ano pa ang gawin niyang pagatake o gaano pa katindi ang galit na kaniyang naramdaman, hindi niya matalo talo si Andrius.
“Sino ka ba talaga?”
Habang minamanipula ang enerhiya ng tatlo niyang mga espada, inobserbahan ni Greywolf si Andrius bago niya ito nanlalamig na sigawan.
Hindi naman siya sinagot ni Andrius. Ngayong magkalaban silang dalawa, wala ng kahulungan ang mga salitang babanggitin nila sa isa’t isa. Sinalag ni