Kabanata 24
Napakurap-kurap si Sherry na tumingin sa harapan bago nagsalita nang walang kasiguraduhan, “Teka. Bakit hindi gumagalaw? Patay na tao ba ‘yan o hayop?
“Hmm, hindi ko talaga masabi. Titignan ko.”
Tumakbo siya habang si Ryan ay dahan-dahang sumunod sa likuran niya.
Makalipas ang ilang segundo, sumigaw si Sherry, “Ryan, tingnan mo! Tao ‘to. Patay na yata ‘to!”
Nagmamadaling lumapit si Ryan nang marinig iyon.
Nakita niya ang isang babae na nakahiga sa ilalim ng puno. Nakapikit ang mga mata, at nakakatakot ang kutis nito. Parang wala na nga itong pinagkaiba sa isang patay na tao.
Naisip ni Ryan na pamilyar ang suot nito kaya pinabaliktad niya ito kay Sherry.
Si Freya!
Malinaw na naalala ni Ryan na ipinagkatiwala niya kay Nina si Freya, na nakagat ng makamandag na ahas, matapos itong mahulog sa kuweba.
Kaya naman, bakit nandito si Freya?
Inabanduna ba ni Nina si Freya? O may nangyari rin kay Nina?
Nadurog ang puso ni Ryan. Sinabihan niya si Sherry na manahimik habang napapasigaw pa ito sa

Haga clic para copiar el enlace
Descarga la aplicación Webfic para desbloquear contenido aún más emocionante
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil