Kabanata 62
Pakiramdam ni Frank isa lamang estranghero ang tingin sa kanya ni Noelle!
Tumalikod si Noelle at naglakad sa kabaliktarang diresksyon, kung saan tahimik na naghihintay si Cedric, may hawak siyang itim na payong. Tumakbo siya palapit sa kanya at nagtanong, “Ikaw ba ang nagsabi kay Mr. York na dalhin ang stationery sa akin?”
Napansin ni Cedric ang ngiti niya at naisip na hindi siya naapektuhan ng insidente. Pinigil niya ang kanyang galit at kalmadong sumagot, “Oo.”
“Salamat ng marami, Cedric. Nailigtas mo talaga ako!” sagot ni Noelle. Hinimas niya ang sikmura niya at nagpatuloy, “Nagugutom na ako! Kumain tayo. Kailangan ko pa maghanda para sa exam sa tanghali.”
Nataranta si Frank ng makalapit siya sa kanya at sumakay sa sasakyan. “Saan ka pupunta, Noelle? Kailangan kitang makausap!”
Hinawakan niya ang pinto ng sasakyan at tinignan si Noelle na nasa loob. Walang ekspresyon si Noelle tulad ng dati. “Hindi na kailangan mag-usap.”
“Noelle, hindi ko talaga sinasadya na mahuli.”
Nanatil

Haga clic para copiar el enlace
Descarga la aplicación Webfic para desbloquear contenido aún más emocionante
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil