Kabanata 175
“Ang nagsetup ng formation?”
Natulala si Hayley. Hindi niya alam kung sino ang nagsetup ng enchantment circle.
Kahit bago pa dumating si Yves, wala siyang kaalam-alam na may ganitong formation sa herbary.
“Mr. Reed, tulad ng sinabi ko kanina, hindi ko alam kung sino ang nagsetup ng enchantment circle,” sagot niya.
Sumingkit ang mga mata ni Yves. “Kakaiba ito. Ang ganitong klaseng formation ay hindi magagawa sa loob ng maikling panahon lang. Ito ang herbary mo at wala kang nalalaman?”
“Wala talaga,” umiling-iling si Hayley.
“Marahil may lihim na tumulong sa iyo. Mag-isip ka ng mabuti,” udyok ni Yves.
Masosolusyunan ang problema kung mahahanap nila ang tao sa likod ng formation.
“May lihim na tumulong sa akin at may nalalaman tungkol sa enchantment circle,” napaisip si Hayley pero walang maisip na kahit na sinong akma dito.
Bumuntong hininga siya, “Mr. Reed, wala talaga akong koneksyon sa kahit na sinong indibidwal na pasok dito. Nahanap lang kita dahil sa rekomendasyon ng elder

Haga clic para copiar el enlace
Descarga la aplicación Webfic para desbloquear contenido aún más emocionante
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil