Kabanata 79
Kasama ng first-class service ng restaurant at metikulosong paghahanda ng pagkain, laging nagtitipon ang mga dignitaries, celebrities at mga mayayamang mga tao dito.
Membership system ang ginagamit nila, kung saan mga miyembro lang ang maaaring makapasok. Malinaw na makikita dito ang pagkakaiba ng mayayaman at mga pangkaraniwang tao.
Pamilyar si Ann dito dahil ilang beses na siyang naparito. Pagkatapos nila magbook ni Wyatt ng private room, umorder sila ng maraming putahe.
“Ang gara naman dito,” sambit ni Wyatt habang nakaupo sa pribadong kuwarto na maraming magagarang dekorasyon. Kahit ang mga upuan ay may bahid ng ginto. “Ito pala ang dahilan kung bakit nag-aalinlangan si Sebastian, marahil malaki ang ginastos niya dito.”
“Hehe! Atin na ang lugar na ito sa hinaharap, Boss,” sambit ni Ann, mas nakakaakit siya ngayon matapos magbihis ng ibang damit. Nagpatuloy siya, “Tatanungin kita ulit. Puwede ba ako kumain ng libre dito?”
“Pero hindi mo kailangan ng libreng pagkain.”
“Bakit?”

Haga clic para copiar el enlace
Descarga la aplicación Webfic para desbloquear contenido aún más emocionante
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil