Webfic
Abra la aplicación Webfix para leer más contenido increíbles

Kabanata 23 A Welcoming Party

Lumabas ng study si Yvonne, bumaba at kumuha ng panglinis. Saka niya nilinis ang kalat sa harap ng study ni Henry bago bumalik sa kanyang kwarto. Noong sumunod na araw, pumasok siya na may malalaking eyebags. Nagulat si Lynette nang makita si Yvonne. “Diyos ko, ano bang ginawa mo kagabi? Akyat bahay ka ba?” “’Wag kang maupo dyan, mapapagalitan ka pa kapag may nakakita sa’yo.” Tinulak paalis ni Yvonne si Lynette pababa ng kanyang mesa. “Hindi ako akyat bahay. Binangungot lang ako buong gabi.” “Buong gabi?” “Oo. Paulit-ulit lang. Para akong tino-torture.” Humikab si Yvonne, kita ang pagiging matamlay sa kanyang mapulang mga mata. Halos hindi siya nakatulog buong gabi. Sa tuwing pipikit siya, nananaginip siya na may inuutusan si Henry na sapilitang kunin ang bone marrow niya dahil tumanggi siya maging donor. Parang totong-totoo ang kanyang panaginip kaya naman napaisip siya kung gagawin nga kaya ni Henry ito kapag tumanggi siya sa hiling nito. “Anong klaseng bangungot ba?”

Haga clic para copiar el enlace

Descarga la aplicación Webfic para desbloquear contenido aún más emocionante

Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil

© Webfic, todos los derechos reservados

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.