Kabanata 54 Discharged Mula sa Ospital
Tumingin si Sue sa likod at nginitian si Yvonne. Nang lumingon siya ulit kay Henry, dumilim ulit ang mukha niya.
Halatang galit ito sa kanya.
Ito rin ang kauna-unahang pagkakataon na nakita siya ni Henry na galit sa kanya at medyo nabigla siya.
Inilagay ni Sue ang kanyang mga kamay sa baywang, "Sir, may mga bagay na hindi ko dapat sabihin bilang isang tagapaglingkod ng pamilya Lancaster, pero hindi ko na ‘to mapigilan."
Pinagdiin ni Henry ang kanyang mga labi, "Ano ang gusto mong sabihin?"
"Asawa niyo si Madam, di ba?" Tanong ni Sue.
Sinulyapan ni Henry si Yvonne. "Oh tapos?"
Tinaas ni Yvonne ang kanyang maselang kilay.
Oo ba iyon o hindi?
"Asawa mo si Madam, pero naranasan mo na ba siyang tratuhin na parang asawa?" Tinuro ni Sue si Yvonne.
Naging madilim ang ekspresyon ng mukha ni Henry. "Kailan ko ba siya hindi tinrato na parang asawa?"
"Kailan nga ba?" Sinampal ni Sue ang sariling dibdib. "Tanungin niyo po ang sarili niyo: totoo bang tinatanggap mo si madam bilang asawa m

Haga clic para copiar el enlace
Descarga la aplicación Webfic para desbloquear contenido aún más emocionante
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil