Webfic
Abra la aplicación Webfix para leer más contenido increíbles

Kabanata 46

Nanigas ang ngiti sa mukha ni Isabella nang maisip niya ang isang bagay. Bumagsak siya sa lupa at nabalot ng takot ang kaniyang mukha kaysa noong makaharap niya si Janiya. “Wa-wala akong kilalang Robin Young.” Dali daling niligpit ni Isabella ang kaniyang mga libro bago siya mabilis na lumabas ng classroom. Pinanood ni Hera ang lumalayo nitong imahe, nakumpirma niya na nahanap niya na ang tamang tao. Pinanood niya ang surveillance video ng aksidente ng napakaraming beses. Wala siyang nakitang issue ng paglabag sa mga batas trapiko. Nakita niya ang biglaang paglabas ng isang sasakyan na bumangga sa sasakyan ni Daphne. Agad na isinara ang kasong ito. Sinabi ng mga pulis na lasing daw ang driver ng sasakyan. At ngayong patay na ang may sala, wala na silang dapat pang kasuhan. Pero nakatanggap si Hera ng balita tungkol sa biglaang pagkakaroon ng pera ng asawa ng driver para maipagamot ang kaniyang sakit. Kasalukuyan na ring nagaaral sa Cavenridge ang kanilang anak pagkatapos nitong

Haga clic para copiar el enlace

Descarga la aplicación Webfic para desbloquear contenido aún más emocionante

Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil

© Webfic, todos los derechos reservados

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.