Webfic
Abra la aplicación Webfix para leer más contenido increíbles

Kabanata 55

Tiningnan ni Hera ang bakanteng upuan sa kaniyang tabi. Dalawang linggo na ring hindi pumapasok si Isabella. Sinabi ng kanilang homeroom teacher na hindi papasok ng matagal na panahon si Isabella para alagaan ang ina nitong may sakit. Hindi rin nito sinabi kung kailan siya makakabalik sa eskwela. Pagsapit ng break time, binuksan ni Hera ang kaniyang WhatsApp para magpalit ng account. Raven: “Kumusta na ang imbestigasyon?” Piglet: “Mayroon akong nakuha sa kaniya. Dalawang linggo na ang nakalilipas mula noong ipagamot niya ang kaniyang ina sa Terrania. Nakuha ko ang impormasyon ng ospital na pinagdalhan sa kaniyang ina.” Dito na nagpadala si Piglet ng ilang mga photo at screenshot ng surveillance footage na nagpapakita kay Isabella at sa kaniyang ina na pumapasok sa ospital. Higit sampung taon ng may liver cancer ang ina ni Isabella na sumailalim sa pagpapagamot. Pero mukhang lumala ang sakit nito nitong nakaraan. Pero ayon sa imbestigasyon, kakarampot lamang ang kita ng magina ka

Haga clic para copiar el enlace

Descarga la aplicación Webfic para desbloquear contenido aún más emocionante

Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil

© Webfic, todos los derechos reservados

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.