Kabanata 1131
“Joshua!”
Hindi mapigilan ni Luna na sumigaw! Paano nangyari ito? Dumiin ang ngipin niya at sinubukan niyang pigilan ang pagdudugo habang nanginginig ang kanyang mga kamay, inialabas niya ang phone niya para tumawag ng emergency number.
“Dalian niyo! May taong sinaksak sa beach! Masy saksak siya!”
Uminit at basa ang mga mata niya dahil sa pagdurugo ni Joshua. Sa sobrang taranta niya ay hindi siya makapagsalita ng klaro.
“S-Sa b-beach, ma… makikita niyo kapag dumating kayo. P-pakiusap, m-magmadali kayo, pakiusap…”
Tumigil ng ilang saglit ang operator sa kabilang linya.
“Sa beach? May lalaking tumawag ng emergency kaninang sampung minuto na ang nakalipas. Halos parating na ang ambulansya namin. Maghintay muna po kayo.”
Nabigla si Luna.
10 minuto kanina…
Isang minuto pa lang siguro noong sinaksak si Joshua!
Hindi na ito masyadong iniisip ni Luna. Agad niyang binaba ang phone call at sinubukan niyang pigilan ang pagdudugo gamit ang dalawang kamay niya. “Joshua, kumapit ka lang!”

Haga clic para copiar el enlace
Descarga la aplicación Webfic para desbloquear contenido aún más emocionante
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil