Kabanata 1429
Naghintay si Joshua sa garden ng Tea Cottage ng isang buong araw.
Nang sumapit ang gabi, dumaing si Harvey na nagugutom na siya at hiniling sina Joshua at Jim na dalhan siya ng masarap na pagkain.
Napatingin si Joshua sa oras at napagtantong 6 p.m na pala.
Wala siyang choice kundi magsabi ng ilang mabilis na salita ng paalam sa recording device, pagkatapos ay inimpake ang kanyang mga gamit at umalis.
Nakahinga ng maluwag si Luna matapos makitang umalis na sila.
Thank God nakaalis na silang lahat. Kung hindi, hindi niya alam kung paano lumabas papunta sa Lucky Den para makita si Malcolm nang hindi napapansin ni Joshua.
Nagpakawala siya ng hininga at itinago ang recording device, pagkatapos ay nagpalit ng damit at bumaba.
Sa ibaba, kumunot ang noo ni Bonnie at sumulyap sa kanya. "Sigurado ka bang gusto mong pumunta?"
Tumango si Luna at sumagot habang sinusuot ang kanyang coat, "Napakahalaga ng singsing na iyon, kaya kailangan kong maibalik ito sa lalong madaling panahon."

Haga clic para copiar el enlace
Descarga la aplicación Webfic para desbloquear contenido aún más emocionante
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil