Webfic
Abra la aplicación Webfix para leer más contenido increíbles

Kabanata 1541

“Ang rason kung bakit nandito ako sa Landry Mansion ng ganito kaaga ay para hanapin si Luna, syempre,” Ang sagot ni Malcolm kahit na nakatanggap siya ng mahirap na tanong mula kay Jim. “Hindi maganda ang pakiramdam ko nitong nakaraan, at natuklasan ko lang ang tungkol sa nangyari kay Mrs. Landry nitong umaga.” Pagkatapos, lumingon siya at tumingin siya kay Luna. “Naging malapit si Luna kay Mrs. Landry simula nang bumalik siya sa pamilya Landry, at ngayon at may nangyaring masama kay Mrs. Landry… Nag aalala ako na malungkot si Luna, kaya’t pumunta ako dito para tingnan siya.” Biglang nagbago ang tono niya nang tumingin siya kela Luna at Jim. “Pero, pagdating ko, napagtanto ko na wala si Luna. Naisip ko na buong gabi siyang nasa hospital, kaya’t tinawag ko ang katulong ko para sunduin ako.” Pagkatapos, nagbuntong hininga siya at tumingin siya ng hindi natutuwa kay Jim. “Ganun ang nangyari. May iba ka pa bang tanong, Master Landry?” Ngumisi si Jim. “‘Yun ba talaga ang nangyari?”

Haga clic para copiar el enlace

Descarga la aplicación Webfic para desbloquear contenido aún más emocionante

Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil

© Webfic, todos los derechos reservados

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.