Webfic
Abra la aplicación Webfix para leer más contenido increíbles

Kabanata 2580

Nabigo si Yannie na makuha ang ibig sabihin ni Thomas. Kumunot ang noo niya at lumingon siya para tumingin kay Thomas ng nalilito. Habang nakatingin sa maliit na mukha ni Yannie, naging maamo si Thomas. Nagbuntong hininga siya at tinaas niya ang kamay niya at dahan dahan na piningot ang ilong ni Yannie. “Tama na; ‘wag mo nang isipin si Wendy at Joshua. Mas marami pa tayong importanteng gagawin.” Kumunot ang noo ni Yannie. “Ano naman ‘yun?” Nagbuntong hininga si Thomas. Yumuko siya at tumingin siya kay Yannie, na siyang walang suot kundi ang underwear nito. Habang iniisip na nakita ng internet ang maliit na katawan ni Yannie, hindi mapigilan ni Thomas na magalit. “Una sa lahat, magbihis ka.” Napatili si Yannie nang mapagtanto niya ito at mabilis siyang tumalikod at nagtago sa ilalim ng kumot. Sa sobrang pokus niya sa pagtatanggol sa sarili niya laban kay Wendy ay nakalimutan niya na underwear lang ang suot niya! Nang ipunto ito ni Thomas, agad na namula ang mukha niya.

Haga clic para copiar el enlace

Descarga la aplicación Webfic para desbloquear contenido aún más emocionante

Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil

© Webfic, todos los derechos reservados

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.