Kabanata 2896
Ngumiti si Joshua nang mabanggit ni Luna ang nawawalang anak nila. “Ang anak natin ay babalik sa atin kapag naging isang taong gulang na siya.”
Kumunot ang noo ni Luna at tumingin siya kay Joshua. “Bakit sigurado ka? May nahanap ka bang impormasyon tungkol sa kanya?”
“Oo.” Tumango si Joshua ng hindi nagdadalawang isip, ngunit hindi niya sinabi ang katotohanan kay Luna. “Sinisigurado lang namin. Ang resulta ay lalabas sa loob ng ilang araw.”
Sa totoo lang, ang resulta ng paternity test nila Joshua, Luna, at Shelly ay lumabas na. Si Shelly nga ay ang tunay na anak nila, at ang puso niya ay sabik nang makuha niya ang resulta. Hindi niya inaasahan na si Jim ang kumuha sa anak nila pagkatapos itong kidnapin ni Hunter.
Sa mga oras na ‘yun, hindi pa maganda ang relasyon nila Luna at Jim, at mukhang hindi pagbibigyan ni Luna si Jim. Sa sitwasyon na ‘yun, hindi sasabihin ni Jim kay Luna o kay Joshua na kinuha niya si Shelly.
Sino ang mag aakala na mawawala ang mga alaala ni Jim pagkatapos?

Haga clic para copiar el enlace
Descarga la aplicación Webfic para desbloquear contenido aún más emocionante
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil