Kabanata 2904
Kumunot ang noo ni LUna.
“Kilala mo ba sila?” Sumunod ang tingin ni Anne kay Luna, nakita niya rin ang magkasintahan na pumasok sa pinto. Gayunpaman hindi niya makita ang mukha ng babae mula sa kanyang inuupuan at nakita niya lang kung sino ang lalaki.
Tumaas ang mga kilay niya dahil dito. “Uy, hindi ba’t si James Shore ‘yan?”
Nabigla si Luna at napatingin siya kay Anne. “Kilala mo ba siya?”
“Oo.” Tinikom ni Anne ang mga labi niya. “Siya ang leader sa isa sa mga local gang dito sa Banyan City, nakaakyat siya sa pwesto niya nitong nakalipas na dalawang taon. Pumunta pa siya minsan sa kumpanya ni John para takutin ang mga empleyado doon. Kung hindi tumawag ng pulis si John, sigurado ako na sinaktan na ni James ang mga empleyado.”
Nabigla si Luna dahil dito. “Ano ang nangyari pagkatapos? Sinubukan niya bang maghiganti pagkatapos tumawag ni James ng pulis?”
Kadalasan, maghihiganti ang mga taong tulad nila sa tao na nagsumbong sa kanila sa pulis pagkatapos nilang pakawalan.
“Hindi si

Haga clic para copiar el enlace
Descarga la aplicación Webfic para desbloquear contenido aún más emocionante
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil