Webfic
Abra la aplicación Webfix para leer más contenido increíbles

Kabanata 329

Agad na tumayo si Luna mula sa sofa. “Kinidnap sila?” “Opo.” Tila umiiyak si Lily. “Tinawagan ko na po si Mr .Lynch. Papunta na po siya doon. Pupunta rin po ba kayo? Sinabi po ng kindergarten teacher na nakikipaglaro po yung dalawa sa mga kaibigan nila nang biglang may dumating na kotse at may ilang mga lalaking nakasuot ng itim na kumuha po sa kanila. Masyado pong mabilis ang pangyayari. Hindi po nakakilos sa oras ang mga teacher.” Kinagat ni Luna ang mga labi niya. “Papunta na ako ngayon!” Pagkatapos, agad na bumaba ng sofa si Luna, nagsuot ng coat, at paalis na siya. Nagdalawang isip si Anne. “Saan ka pupunta?” “Kinuha sila Nellie at Neil ng mga taong hindi pa kilala,” Sumagot si Luna habang balisa niyang sinusuot ang mga sapatos niya. Nabigla si Anne. Agad niyang kinuha ang coat niya at sinundan niya palabas ng pinto si Luna. “Ano ba ang nangyayari?” Natataranta si Luna. Hindi niya alam kung paano niya ito ipapaliwanag, kaya’t bumaba na lang siya ng hagdan. “Sandali lang,

Haga clic para copiar el enlace

Descarga la aplicación Webfic para desbloquear contenido aún más emocionante

Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil

© Webfic, todos los derechos reservados

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.