Kabanata 482
Pagkatapos ng mga ilang sandali, huminga ng malalim si Luna at ngumiti.
“Pinalaki ko lang ang bagay na to, yun lang.”
Walang imik na umangat ang kilay ni Joshua habang pinagmamasdan ang ekspresyon ni Luna.
Tumawa ng bahagya si Luna. “Nagdugo noon ang ilong ni Neil dahil sa sipon. Marami na akong nakitang mga taong na-diagnos ng leukemia dahil lang sa hindi matigil ang pagdurugo ng kanilang ilong, at nag-alala ako na baka magkaganun siya, kaya pinadala ko siya sa hematology department para mapatignan. Sa bandang huli, lumabas na meron lang siyang sipon. Nag-alala lang ako sa wala.”
Nagpanggap si Luna na kalmado at nagkibit balikat. “Maraming tao ang naoospital dahil sa sipon sa taglamig, kaya sinabihan kami ng doktor na manatili sa may hematology department.”
Naningkit ang mga mata ni Joshua. “Yun lang?”
“Syempre. Ganun lang siya kasimple.” Bahagyang tumawa si Luna. Kinuha niya ang litrato kay Joshua, lumingon at umalis.
Nanatili nakatayo sa kanyang pwesto si Joshua habang

Haga clic para copiar el enlace
Descarga la aplicación Webfic para desbloquear contenido aún más emocionante
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil