Webfic
Abra la aplicación Webfix para leer más contenido increíbles

Kabanata 617

Biglang tumigas ang buong katawan ni Alice. Kinagat niya ang mga labi niya, tumalikod siya at umupo siya sa tabi ni Joshua. Hinawakan niya ang mga kamay ni Joshua. “Joshua, ano ang pinagsasabi mo? Hindi ko maintindihan.” “Hindi mo maintindihan?” Ngumiti si Joshua. Nilabas niya ang lumang cellphone mula sa bulsa niya at nilapag niya ito sa harap ni Alice. “Ngayon, naiintindihan mo na?” Tinikom ni Alice ang mga labi niya. Tumalikod siya para tumingin, agad na naging maputla ang mukha niya. Ang cellphone na ito… Ay ang cellphone na hinagis niya sa lawa nung nakaraan. Gayunpaman… Nakita ni Joshua na tinapon niya ang phone sa lawa nung nakaraan. Nagaalala siya na baka mag isip si Joshua at pinakuha niya ang phone. Nung gabing ‘yun, sa kalagitnaan ng gabi, nag utos si Alice ng mga tao na hanapin ito. Naalala ni Alice na inutusan niya ang mga tauhan niya para kunin ang phone. Pagkatapos, tinunaw niya ng asido ang phone bago niya ito tinapon sa basurahan sa labas. Paanong nangyari…

Haga clic para copiar el enlace

Descarga la aplicación Webfic para desbloquear contenido aún más emocionante

Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil

© Webfic, todos los derechos reservados

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.