Kabanata 783
Tumaas ang mga kilay ni Luna at ngumiti siya ng mapanglait. “Humingi ng tawad?”
Humalukipkip siya at tumingin siya kay Joshua. “May gusto akong itanong sayo, Mr. Lynch: Ano ang mga patakaran ng Lynch Group?”
Pagkatapos ay tumalikod siya at umupo sa upuan, nakahalukipkip pa rin siya habang nakatingin siya ng malamig kay Joshua.
“Ako ang design department director. Si Ms. Blake, na nasa mga kamay mo, ay pumasok pa lang sa trabaho kahapon at siya ang pinakamababang intern sa design department. Anong karapatan niya para pumasok ng opisina ko?”
Tumahimik ang buong opisina dahil sa sinabi ni Luna.
May patakaran ang bawat bansa o lugar, at ganito rin sa Lynch Group. Lalo na para sa design department, ang isang department kung saan maraming maselang impormasyon. May mga patakaran na hindi pwedeng sirain ng basta basta.
Bilang isang intern lang, pumasok si Fiona sa opisina ni Luna, na ang design director nila. Isang rason na ito para sisantihin ang isang tao.
Ang tanging pagkakaiba nito

Haga clic para copiar el enlace
Descarga la aplicación Webfic para desbloquear contenido aún más emocionante
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil