Webfic
Abra la aplicación Webfix para leer más contenido increíbles

Kabanata 887

Lumamig sa loob ng private room. Sumingkit si Joshua. Puno ng lamig ang kanyang mga mata. “Kailangan mo bang magsalita ng ganyan?” Ngumiti si Luna. “Paano mo pala ako gustong magsalita, Mr. Lynch? Hindi ako pumayag nung una na pumasok si Fiona sa team ko, pero pinilit mo dahil sa kapangyarihan mo, kaya’t pinasok ko siya sa team ko. Balak kong manalo sa kompetisyon, kaya’t maliban sa pag utos kay Ms. Blake ng gumawa ng mga simpleng bagay, ano pa ba ang magagawa ko?” Tahimik ng ilang sandali si Joshua dahil sa mga sinabi ni Luna. Hindi naman sa hindi niya pa naisip ang mga problemang ito. Ngunit, naramdaman ni Joshua na dahil sa kakayahan ni Luna, ang pagsama ni Fiona sa team ay maliit na bagay para kay Luna. Hindi niya inaasahan na hindi pa magagawa ni Fiona ang mga simpleng bagay. Sinabi na ni Joshua ang mga pinag aalala niya kay Fiona sa trabaho, ngunit tuwing tatanungin niya si Fiona, ngingiti lang ito at sasabihin na ayos lang ang lahat at masaya siyang nagtatrabaho. Hindi i

Haga clic para copiar el enlace

Descarga la aplicación Webfic para desbloquear contenido aún más emocionante

Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil

© Webfic, todos los derechos reservados

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.