Kabanata 2195
Nang tumingin si Alice kay Harvey, napuno ng galit at takot ang puso niya. Pagkatapos ay nakita niya sina Tyson at Rachel na mukhang natatawa sa kanya at sumabog siya sa galit.
“Harvey York!”
Nagngitngit ang ngipin ni Alice sa galit.
"Umaasa ka lang kay Senior Horan pagkatapos mo siyang bigyan ng maliit na pabor!"
"Kung gagamitin mo lang ang kakayahan mo, sa tingin mo ba talaga kaya mo kong talunin?"
Paalis na si Harvey, pero nagkainteres siya sa mga salita ni Alice. Napahinto siya at lumingon pabalik sa kanya.
"Sinasabi mo ba sa'kin na hindi ka kuntento sa pasya kanina?"
"Oo! Hindi ako kuntento!"
Sa sobrang diin ng pagngitngit ng ngipin ni Alice ay halos mabasag ang ngipin niya.
"Kung hindi ka kuntento, dudurugin kita hanggang makuntento ka."
Simpleng initsa ni Harvey ang phone niya sa lapag at sinipa ito papunta kay Alice.
"Bibigyan kita ng pagkakataong tumawag sa kahit na sino. Tumawag ka hanggang sa gusto mo."
"Kung magagawa mo kong takutin gamit ng alas mo,

Haga clic para copiar el enlace
Descarga la aplicación Webfic para desbloquear contenido aún más emocionante
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil