Webfic
Abra la aplicación Webfix para leer más contenido increíbles
Nagkakamali kayo ng InapiNagkakamali kayo ng Inapi
autor: A Potato-Loving Wolf

Kabanata 2261

Seryoso ang titig ni Harvey. Nakasalubong niya si Teresa Thompson sa lugar kung saan niya mismo pinaghihinaalaang dinala si Lilian. Pagkakataon nga lang ba ito? O hindi kaya matagal na itong planado? Maraming pumasok sa isipan ni Harvey, ngunit nagpanggap pa rin siyang nagulat. "Oh! Ikaw pala 'yan!" "Pagkakataon nga naman. Sa kasamaang-palad, may kailangan akong gawin. Sa susunod na lang tayo mag-usap." Nang makita ni Teresa na lalayo na si Harvey, kaagad nitong hinawakan ang kamay nito. "Sandali! Hindi ko pa alam ant pangalan mo, aking tagapagligtas," mahinang sinabi ni Teresa. "Ako si Teresa." Napakalapit ng mukha ni Teresa, halos nakadikit na ito sa mukha ni Harvey. Sa kanyang labi ay mayroong malaking ngiti, at kumikislap ang kanyang mga mata. Ang halimuyak ng isang dalaga ay dumaan sa ilong ni Harvey, kaya medyo nailang siya. Kusang bumitaw si Harvey, at kaagad na umatras. "Hindi maganda para sa ating magdikit nang ganito, Ms. Thimpson. Atsaka, pakiusap tawag

Haga clic para copiar el enlace

Descarga la aplicación Webfic para desbloquear contenido aún más emocionante

Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil

© Webfic, todos los derechos reservados

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.