Webfic
Abra la aplicación Webfix para leer más contenido increíbles
Nagkakamali kayo ng InapiNagkakamali kayo ng Inapi
autor: A Potato-Loving Wolf

Kabanata 3253

“Dinala ko si Xynthia dito para makita niya ang isang young master mula sa India!” “Pumayag din dito si Auntie Yates!” “Magagalit nang sobra ang young master kapag nagpakita ka dito!” Ang sama ng mukha ni Diana. “Wala ka dapat dito!” “Heto oh 15 dollars! Kumuha ka ng cab at pagkain!” “Ituring mo na lang ito na parang pasalubong!” Pagkatapos ay inilabas ni Diana ang pera mula sa kanyang pitaka at winasiwas ito nang mayabang. Sumama ang tingin ni Harvey. Isasaksak na sana niya ang pera sa bibig ng nakakairitang babae nang bigla siyang napigilan. Hindi nagtagal ay dumating si Xynthia kaya hindi niya ito nagawa. “Hindi ka pa papasok, Harvey?” Hinawakan niya ang braso ni Harvey, natatakot na baka tumakas ito kapag nagkaroon ng pagkakataon. “Sabi ni Harvey masama daw ang pakiramdam niya, at aalis na sana siya.” Akala ni Diana natakot si Harvey sa kanya nang makita niyang hindi ito kumibo sa pagbabanta niya. Pagkatapos ay bumunot pa siya nang pera at hinagis ito kay Harvey. “

Haga clic para copiar el enlace

Descarga la aplicación Webfic para desbloquear contenido aún más emocionante

Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil

© Webfic, todos los derechos reservados

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.