Kabanata 4028
Kasabay nito, sa isa pang presidential suite, isang magandang babaeng nakasuot ng dress ang nakahiga sa isang mahabang upuan.
Napakabalingkinitan ng katawan niya; mas pinaganda lang siya lalo ng edad niya.
Ang aura niya ng isang babae ay sapat na para maakit ang lahat ng lalaki sa paligid niya.
Kahit mga bihasang boss at tycoon ay hindi mapigilang maakit sa kanyang karisma.
Isang mahinang sinag ng paglubog ng araw ang lumapag sa maputi at mahaba niyang binti, na para bang isang pares ng ivory na may malumanay na bango.
Inalog niya ang baso ng red wine na hawak niya habang bumubulong kay Ellen, na nakasuot naman ng gown na kasing puti ng niyebe.
“Hindi ko naisip na mahahanap ng anak ko ang mapapangasawa niya nang ganito kabilis.”
“Isa rin siyang young master ng isa sa top ten families ng Country H!”
“Nakatadhana kang palarin, Ellen!”
Ang magandang babae ay walang iba kundi si Noemi.
Mas lalo siyang naging kaakit-akit kumpara sa panahong naroon siya sa Blackburn City.

Haga clic para copiar el enlace
Descarga la aplicación Webfic para desbloquear contenido aún más emocionante
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil