Kabanata 5794
Magkakahalong emosyon ang naramdaman ni Harvey York matapos makita sina Mandy Zimmer at Rhodes Wright na sumakay sa iisang sasakyan.
Naging maingat siya nang makarating sa labas ng bayan, pero hindi niya inaasahang magagalit nang ganito kay Mandy.
“Kalimutan mo na ‘yun.”
Lumapit si Judith Pedler sa tabi ni Harvey.
“Halos limang taon ang tanda niya kaysa sa’tin. Wala kang pag-asa sa kanya.”
Walang masabi si Harvey matapos niyang marinig ang mga sinabi ni Judith.
‘Hindi ko naman pwedeng sabihin sayo na ex-wife ko siya, hindi ba…?’
Natapos ang selebrasyon pagkaraan ng isang oras.
Maraming bisita ang sunod-sunod na umalis. Si Harlan, ang kanyang pamilya, at ang dalawang matalik na kaibigan ni Billie Higgs lamang ang natira.
Dahil kay Mandy, hindi na naganahan si Harvey na paluhurin si Aliza Howell bilang paghingi ng paumanhin. Plano niyang ayusin ang mga bagay-bagay pagkauwi niya.
“Saan ka pupunta, Harvey?
“Naghanda ako ng isang kuwarto para sayo dito. Dumito ka muna sa ngayon.”

Haga clic para copiar el enlace
Descarga la aplicación Webfic para desbloquear contenido aún más emocionante
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil