Kabanata 119
'Sa tuwing nakikita ko siyang umiiyak, doble yung sakit na nararamdaman ko, at handa akong gawin ang lahat para lang tumahan siya.
Biglang niyakap ni LIng Yiran ng mahigpit si Yi Jinli at lalo pang humagulgol, na parang batang inagawan ng candy.
Hindi rin sigurado ni Ling Yiran kung bakit niya niyakap si 'Jin', lalo na't galit pa siya dito, pero ito lang ang natatanging bagay na gusto niyang gawin ngayon para mabawasan kahit konti ang sakit na nararamdaman niya.
Hindi naman pumalag si Yi Jinli, at niyakap din pabalik si Ling Yiran.
Hindi na namalayan ni Ling Yiran kung gaano na siya katagal na umiiyak dahil tumahan lang siya noong wala na siyang luhang mailabas.
Kumuha si Yi Jinli ng tissue at maingat na pinunasan ang pisngi ni Ling Yiran. "Ate, ano bang nangyari?"
"Si Lola." Mangiyak-ngiyak na sagot ni Ling Yiran.
Kumunot ang noo ni Yi Jinli, at bgiglang naging seryoso ang boses niya. "Bakit? Nakiusap ba siya na iurong mo ang kaso?"
"Hindi. Tumawag lang si lola para ta

Haga clic para copiar el enlace
Descarga la aplicación Webfic para desbloquear contenido aún más emocionante
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil